CJ Sereno, tinanggi ang mga alegasyong nakasaad sa impeachment complaint

by Radyo La Verdad | September 25, 2017 (Monday) | 1716

Pinadi-dismiss ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ang impeachment complaint laban sa kanya.

Sa 85-pahinang sagot na inihain nito kanina sa Kamara, kinuwestiyon niya ang pagdedeklarang sufficient in form and substance ang impeachment complaint. Itinanggi ng kampo ni CJ Sereno ang lahat ng alegasyon.

Gaya ng isyu sa SALN, pagbili ng mamahaling sasakyan, umano’y pakikialam sa mga resolusyon ng Korte Suprema at iba pa.

Sa kauna-unahang pagharap ng defense team ni CJ Sereno sa media, sinabi ng lead counsel nito na walang matibay na ebidensya ang reklamo.

Ayon kay House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali, sunod na tatalakayin ng kumite kung may grounds at probable cause ang reklamo.

Ayon sa mga abugado ni CJ Sereno, handa nitong harapin ang reklamo at hindi siya magbibitiw sa pwesto.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,