CJ Sereno, muling nanindigang hindi magre-resign sa gitna ng kinahaharap na impeachment complaint

by Radyo La Verdad | January 22, 2018 (Monday) | 2855

Nananatiling buo ang loob ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na harapin ang impeachment complaint laban sa kanya ito ang ipinahayag ni Atty. Jojo Lacanilao, tagapagsalita ng punong mahistrado.

Ayon kay Lacanilao walang planong mag resign si CJ Sereno sa kabila ng ilang mga opisyal ng Kamara na ang nanawagan ng kanyang pagbibitiw.

Minaliit din ng kampo ni Sereno ang mga testimonya ng anim na Supreme Court Associate Justices na humarap sa impeachment committee sa Kamara.

Ang mga ito ay isyu lamang ng hindi pagkakaintindihan ng mga justice at ni CJ Sereno. Tulad na lamang umano kung paano iiinterpret ang mga rules ng Supreme Court at reklamo ukol sa estilo ng pamamahal ni Sereno.

Dagdag pa nito, hindi na rin umano lihim sa mga Senior Associate Justice ang hindi natuwa sa pagkakatalaga kay CJ Sereno dahil 18 taon itong mananatili sa pwesto.

Bukas, ipagpapatuloy ng impeachment committee ang impeachment hearing subalit walang SC Justice na inimbitahan. Ngunit pinadadalo naman ng kumite sa pagdinig ang ilang empleyado ng SC.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,