CJ De Castro, nagpaalam na sa mga kawani at kasamahan sa Korte Suprema

by Radyo La Verdad | October 8, 2018 (Monday) | 6005

Nagpaalam na sa mga kawani at kaniyang mga kasamahan sa Korte Suprema si Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro kaninang umaga.

Nagsuot ng kulay asul ang Supreme Court (SC) employees sa huling flag raising ceremony ng ika-dalawampu’t apat na chief justice ng Korte Suprema.

Si De Castro ay magreretiro sa darating na Oktubre a diyes kung kailan tutuntong siya sa mandatory retirement age na 70 anyos.

Sinalubong si De Castro ng marching band, mga empleyado at kapwa niya mahistrado nakasuot ng t-shirt na kulay asul.

May isang malaking banner din na nakasabit sa korte na nagpapakita ng pasasalamat sa punong mahistrado.

Sa kaniyang talumpati, ipinagmalaki ni De Castro ang mga repormang nagawa niya sa SC gaya ng pagtaas ng sahod at pagpapatupad ng overtime pay hindi lamang sa mga stenographers kundi maging sa iba pang manggagawa ng SC.

 

 

 

 

Tags: , ,