Civilian death toll sa Yemen, umakyat na sa mahigit 1,600

by dennis | July 15, 2015 (Wednesday) | 1267
photo credit:REUTERS/KHALED ABDULLAH
photo credit:REUTERS/KHALED ABDULLAH

Hindi bababa sa 142 sibilyan ang namatay sa bansang Yemen nitong mga nakaraang sampung araw.

Ayon sa United Nations, tumaas na sa 1,670 ang kabuuang bilang ng civilian death toll sa loob ng mahigit tatlong buwan

Dumami ang bilang ng mga sibilyang napapatay dahil sa pagpapatuloy ng bakbakan sa pagitan ng mga Shiite rebels at ng pamahalaan ng Yemen sa kabila ng nilulutong kasunduan ng U.N.

Ayon kay Rupert Colvile, tagapagsalita ng UN human rights office, nasa 142 sibilyan ang napatay sa Yemen sa pagitan ng ika-3 hanggang ika-13 ng Hulyo habang 224 na iba pa ang sugatan.

Kasama na rito ang nasa 76 patay at 38 sugatan mula sa isinagawang airstrikes noong ika-6 ng Hulyo.

Samantala, ipinahayag naman ng UN refugee agency na mula Marso 26, nasa 10,500 katao na mula sa Ethiopia, Somalia at iba pang bansa ang pumunta ng Yemen para makatawid ng border sa pag-aakalang tumigil na ang kaguluhan sa naturang bansa.