Civil case laban sa Sanofi Pastuer, inihahanda na ng Department of Health

by Radyo La Verdad | February 23, 2018 (Friday) | 1682

Pinakilos na ni Health Secretary Francisco Duque III ang Legal Department ng kagawaran para ihanda ang civil complaint laban sa Sanofi Pasteur.

Ito ay matapos muling igiit ng French Pharmaceutical Company na hindi sila magbibigya ng refund para sa mga nagamit na Dengvaxia vaccines at maging ang paglalaan ng indemnification fund para sa mga nabakunahan nito.

Ayon kay Sec. Duque, dapat managot ang Sanofi dahil hindi naman nila naipaliwanag ang totoong epekto ng Dengvaxia bago ito naibigay sa mahigit 800,000 kabataang Pilipino.

Ganito rin ang panananaw ni Senator Sherwin Gatchalian na miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga sa kontrobersiya. Naniniwala ang senador na may naging kapabayaan at dapat managot ang mga dating kalihim ng DOH na nagpatupad ng Dengvaxia mass immunization.

May pananagutan din aniya ang dating kalihim na si Dr. Paulyn Jean Ubial dahil ipinagpatuloy nito ang pagbibgay ng second at third dose ng Dengvaxia vaccines.

Pero giit ni Garin Wala, siyang kasalanan sa pagpapatupad ng nasabing programa.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,