City ordinance na nagbibigay ng free funeral expenses, pasado na sa Baguio City

by Radyo La Verdad | January 16, 2018 (Tuesday) | 3085

Naaprubahan na ng Baguio City Council ang tinatawag na Paupers burial ordinance,  ito ang ordinansang magbibigay ng libreng funeral service para sa mga mahihirap na residente.

Ayon kay City Councilor Leandro Yangot, ang prebilihiyo na ito ay para lamang sa mga indigent, street roamers, at mga biktima ng kalamidad at krimen na walang claimants.

Para makapag-avail ng naturang serbisyo dapat ay lehitimong residente ng Baguio City, mayroong certificate of indigence mula sa brgy. Captain.

Pagkatapos ay ive-verify naman ng City Social Welfare and Development kung talagang kabilang na mahihirap sa syudad ang nag-rerequest ng free service.

 

( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )

Tags: , ,