Citizen’s arrest kontra krimen, hindi ipipilit sa publiko

by Radyo La Verdad | June 9, 2016 (Thursday) | 1412

PNP-Chief-Ronald-dela-Rosa
Nilinaw ni incoming PNP Chief Ronald dela Rosa na hindi nila pipilitin ang publiko na magsagawa ng citizen’s arrest sa mga mahuhuli sa akto ng paggawa ng krimen.

Ito ay kasunod ng naging pahayag ni Mayor Rodrigo Duterte na dapat tumulong na din ang publiko sa paghuli sa mga kriminal, partikular na ang mga sangkot sa iligal na droga.

Ayon kay Dela Rosa case to case basis ang pagsasagawa ng citizen’s arrest at kailangang isaalang-alang ang kaligtasan ng sibilyan na magsasagawa ng panghuhuli.

Sa kabila nito, biniyang diin ni Dela Rosa na magiging malaking tulong ito sa pagsugpo ng krimen dahil kulang din aniya ang hanay ng pulisya upang bantayan ang lahat ng lugar sa bansa.

Kabilang sa mga petty crimes na maaaring aksyunan ng sibilyan ay ang paninigarilyo sa pampublikong lugar gaya aniya ng ginagawa sa Davao.

(UNTV RADIO)

Tags: ,