Higit sa inaakala ni Pres. Rodrigo Roa Duterte ang lawak ng problema sa iligal na droga sa bansa.
Ito ang dahilan kung bakit humihingi pa siya ng karagdagang anim na buwan upang tuluyang masugpo ang suliraning ito.
Ngunit sa ngayon ay hindi pa inilalabas ng pangulo ang ikalawang Narco list dahil nais niyang mavalidate mabuti ito bago isapubliko.
Aminado naman ang Commission on Human Rights na hindi kayang tapusin sa maikling panahon ang pagsugpo sa naturang problema ng bansa.
Subalit ang tanging hiling anila sa pamahalaan ay tiyaking igagalang ang karapatang pantao, due process at rule of law sa pagsusulong ng kampanya laban sa iligal na droga at krimen.
Una nang binatikos ng CHR ang mga summary execution at vigilante style killings sa bansa na iniuugnay sa kampanya laban sa illegal drugs.
Nanindigan din naman ang pamahalaan na hindi nila pinahihintulutan ang naturang gawain.
(Victor Cosare / UNTV Correspondent)
Tags: CHR, mga susunod na drug ops, umaasang igagalang ng pamahalaan ang human rights