CHR , sisilipin kung nasunod ang rules of engagement sa military operations sa Marawi

by Radyo La Verdad | October 18, 2017 (Wednesday) | 1786

Binibiripika na ng Commission on Human Rights ang mga natanggap nitong reklamo kaugnay sa naging operasyon ng militar sa Marawi City sa mga nakalipas na buwan.

Ayon sa CHR, mula pa nang ideklara ang martial law sa Mindanao ay inatasan na nila ang kanilang mga tauhan sa rehiyon upang mag-obserba.

Isa anila sa tinitingnan ng komisyon sa ganitong operasyon ay kung nasusunod ba ang rules of engagement.

Nilinaw naman ng komisyon na pareho nilang tinitingnan ang karapatang-pantao, maging ito ay sundalo man o terorista.

Umaasa naman ang CHR na tutugunan ng pamahalaan ang agarang rehabilitasyon sa lugar.

Nais naman ng komisyon na bawiin na ang pagpapatupad ng martial law sa Mindanao.

 

( Roderic Mendoza / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,