CHR, nagpaalala na mag-ingat sa paghawak ng mga impormasyon kaugnay sa mga taong HIV positive

by Radyo La Verdad | December 5, 2017 (Tuesday) | 2956

Nagpaalala ang Commission on Human Rights na kailangang maging maingat sa paghawak ng mga impormasyon kaugnay sa mga taong HIV positive.

Kasunod ito ng nangyaring paglalahad ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at ilang media entities kamakailan ng katauhan ng isang HIV positive na nahuling drug suspect.

Ayon sa CHR ang naturang aksyon ay paglabag sa Republic Act. Number 8504 o ang Philippine Aids Prevention and Control Act. na naglalayong pangalagaan ang taong may HIV aids at protektahan ito sa diskriminasyon.

Ayon sa CHR suportado nila ang kampanya laban sa iligal na droga subalit dapat ay nakasang-ayon ito sa rule of law. Nagpaalala din ang ahensya sa media na maging maingat sa paglalabas ng katulad na impormasyon.

Tags: , ,