CHR, nababahala sa plano ni DILG Usec. Diño na pagsumitehin ang mga brgy. officials ng listahan ng drug suspects

by Radyo La Verdad | January 15, 2018 (Monday) | 2697

Naaalarma ang Commission on Human Rights sa panibagong plano ni Dilg Undersecretary Martin Diño na pagsumitehin ng drug list ang bawat barangay sa Pilipinas.

Para sa komisyon, walang kasiguruhan na mapoprotektahan nito ang pagkakakilanlan ng maituturong suspect kahit pa ipinangako ng DILG na magkakaroon ng matinding pagsusuri sa pagtukoy ng mga ito.

Depensa naman ni Diño, hindi lalabag sa karapatang-pantao ang kaniyang panukala. Sisiguruhin din daw niya na magiging epektibo at hindi na mauulit ang mga serye ng extrajudicial killings na inuugnay sa pulis.

Ayon kay Diño, hindi naman kailangang ibalik ang paglalagay ng dropbox sa bawat barangay hall para malaman ang pangalan ng mga suspected pusher.

Nauna nang sinuportahan ng palasyo ang panukala ni Diño kaalinsabay ng pagbabalik ng pambansang pulisya sa oplan tokhang.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

Tags: , ,