CHR, naalarma sa inilabas na listahan ng AFP ng mga paaralan na sangkot umano sa ginagawang recruitment ng CPP

by Radyo La Verdad | October 4, 2018 (Thursday) | 10401

Naalarma ang Commission on Human Rights (CHR) sa inilabas na listahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa mga unibersidad na sangkot umano sa ginagawang recruitment ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Ayon sa tagapagsalita ng CHR na si Attorney Jacqueline Ann De Guia, ang ginagawang red tagging ng AFP ay naglalagay sa panganib sa mga estudyante at kabataan, at tila nagbibigay rin ito ng lisensya sa Sandatahang Lakas na sagkaan ang freedom of expression, ang karapatan na ipaabot sa pamahalaan ang mga karaingan at ang kalayaan na magtipun-tipon.

Tila hindi rin umano navalidate ng maayos ang listahan dahil wala sa record ng Commission on Higher Education (CHED) ang isa sa binanggit na paaralan.

Dagdag pa ni De Guia, ang pagpapalabas ng martial law films ay hindi dapat ituring na isang subversive act dahil bahagi ng kasaysayan ng bansa ang batas militar at required ito sa ilalim ng batas ang pagtuturo nito kaya hindi ito maituturing na iligal.

Tags: , ,