CHR, kinondena ang nangyaring ambush sa Lanao Del Sur na ikinasawi ng 5 PDEA agents

by Radyo La Verdad | October 9, 2018 (Tuesday) | 7342

Mariing kinokondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang nangyaring pananambang ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Lanao Del Sur.

Iniimbestigahan na ng CHR Region 10 ang insidente at nagpaabot na ito ng pakikiramay sa pamilya ng limang agent na nasawi sa ambush.

Ayon kay Attorney Jacqueline De Guia, tagapagsalita ng CHR, patunay umano ito na laganap na ang culture of impunity sa bansa.

Umaasa rin ang CHR na kikilos ang pamahalaan upang malutas ang culture of killings sa bansa.

Ayon kay De Guia, tanging sa pamamagitan ng rule of law at due process matitigil ang cycle of violence at maisusulog ang isang komunidad na nagpapahalaga sa buhay ng bawat isa.

Tags: , ,