Chosen benificiaries, nagpasalamat sa WISH 107.5 at OPM Artists matapos magkamit ng cash awards

by Radyo La Verdad | January 16, 2018 (Tuesday) | 3097

Big winner ang ilang batikan at budding artists at group sa ikatlong WISH Music Awards sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Ngunit bukod sa mga ito ay panalo rin ang charitable institutions na nirerepresent ng bawat artist. Bawat award na nakuha ng mga nanalong singer ay may kaakibat naman na one hundred thousand pesos cash prize para sa kanilang mga napiling benificiaries.

Tulad na lang ng Save the Children Philippines na benificiary nina KZ Tandingan, Michael Pangilinan, Four of Spades at Extrapolation. Humakot ang Save the Children ng pinakamaraming cash award na umabot sa P400,000, ito ang unang pagkakataon na naging benificiary sa WISH Music Awards ang naturang independent children’s organization.

P300,000 pesos naman ang nakamit ng Bukas-palad Foundation Inc., ang beneficiary ng Indie Folk Band na Ben and Ben at ng Rap Collaborators na sina Flict G, Curse One, Dello at Smugglaz.

Nag-uwi naman ng tig-P200, 000 ang Cancervants Philippines at Sto. Niño Home for the Aged Inc. and Maritxell Children’s World Foundation Inc., ang chosen beneficiary ng IV of Spades at ni Morisette Amon.

Tig-P100,000 naman ang natanggap ng Teach for the Philippines, Cribs Foundation Inc, Child Haus, Paws Philippines, Inspire Metro, at Visayan Forum Antipolo.

Ayon sa benificiaries, kakaiba ang music awards ng WISH 107.5 dahil bukod sa pagtulong sa pagtataguyod ng Original Pilipino Music ay naging daan ito para sa social awareness ng mga Filipino sa pagtulong sa mga kapus-palad sa buhay.

Nangako naman si Kuya Daniel Razon, ang nasa likod ng mga inobasyon sa WISH 107.5 na ipagpapatuloy ng WISH ang nasimulan nitong charitable works.

 

( Macky Libradilla / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,