Natakdang dumating bukas sa Pilipinas si Chinese Vice Premier Wang Yang para sa kanyang four-day official visit.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying, ito ay bahagi ng pagpapalakas ng bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at China.
Kabilang sa mga nakatakdang activity ng Chinese Vice Premier sa bansa ang pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa ilang Philippine Economic Leaders.
Dadalo rin ito sa opening session ng China-ASEAN Year of Tourism Cooperation at magbibigay ng keynote speech sa China-Philippines Trade and Investment Forum.
Tatagal ang pagbisita ng Chinese Vice Premier hanggang sa March 19.