Chinese, tsinap-chop ng kapwa Chinese sa Makati

by Jeck Deocampo | November 23, 2018 (Friday) | 11220

MAKATI, Philippines – Bistado ang pamamaslang ng tatlong Chinese nationals sa isa nilang kababayan sa isang condominium sa Makati City bandang alas-6 kagabi.

Kinilala ang biktima sa pangalang Wang Yalei, 26-anyos. Habang tinukoy naman ng mga otoridad ang pangunahing suspek sa pagpatay na si Zhang Chuning, 22-anyos at tatlo pang Chinese-national.

Ayon kay NCRPO Police Director Guillermo Eleazar, natuklasan ng housekeeper sa basurahan ng condominium ang isang bag na naglalaman ng mga duguang gamit kabilang ang isang kutsilyo at ilang damit. Nang siyasatin ng security personnel ang CCTV footage sa gusali, nakita ang mga suspek na bitbit ang naturang bag.

Nang inspeksyunin ng mga gwardya ang condo unit ng mga suspek ay natagpuan sa banyo ang isang duguang maleta na naglalaman ng mga putol-putol na katawan ng biktima. Agad na rumesponde ang mga pulis upang arestuhin ang mga suspek.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng karumaldumal na krimen.  Samantala, nasa kustodiya na ng Southern Police District ang mga suspek na mahaharap sa kasong murder.

 

(Ulat at kuha ni Asher Cadapan Jr.)

Tags: , , ,

Lalaking natumba sa Ermita, Manila, hindi Chinese National at hindi nCoV carrier – MPD

by Radyo La Verdad | February 3, 2020 (Monday) | 3211
PHOTO: Manila PIO Facebook

MANILA, Philippines – Viral ngayon sa social media ang video kung saan isang lalaki ang nanawagan para tulungan ang isang banyaga na nabuwal sa may Taft Avenue malapit sa panulukan ng Remedios Street sa Ermita, Maynila noong Sabado ng alas-4 ng hapon.

Ayon sa nagsasalita sa video, tumawag na umano siya sa iba’t ibang grupo para tulungan ang dayuhan subalit walang tumugon.

Sa isang pahayag, nilinaw naman ng Manila Police Distirct na Koreano at hindi Chinese National ang naturang lalaki.

Wala rin anila itong sakit at nabuwal lamang at nakatulog sa gilid ng kalsada dahil sa sobrang kalasingan.

Ayon pa sa MPD nagsadya sa presinto ang Koreano para linawin ang isyu.

Subalit sa pagkakataon na may makasalubong na isang pinaghihinalaang apektado ng nCoV at nawalan ito ng malay, ano ang dapat gawin?

Payo ng Department of Health, una ay tumawag ng pulis.

“Kasi ang pulis nagro-roving sila eh. So after the pulis tatawag iyan sa pinakamalapit na local government hospital sa emergency room. Oh mayroon tayo ngayong emergency, magpadala kayo ng ambulance at pwede bang dalhin sa ER ngayon. Ang problema mo nga dahil unconscious hahantayin mo na manumbalik ang kaniyang malay tao at the usual mag-iinterview ka, ang ating assessment tool, iyon ang paiiralin natin. iyon ang gagamitin natin pero titignan mo muna kung merong symptoms, you have to be guarded,” ani Sec. Francisco Duque III, Department of Health.

(Bernard Dadis)

Tags: , , ,

Bilang ng krimen sa Metro Manila bumaba kumpara noong panahon ng Aquino Administration, ngunit kaso ng Murder tumaas – NCRPO

by Erika Endraca | October 3, 2019 (Thursday) | 11277

MANILA, Philippines – Bumaba ang bilang ng krimen na nangyayari sa Metro Manila sa nakalipas na 3 taon kumpara sa huling 3 taon ng ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay NCRPO Director PMGen. Guillermo Eleazar, nasa 49,835 lamang ang krimen na nangyari noong July 2016 hanggang September 26, 2019.

Mas mababa ito ng 82,004 o 62% ng 131, 839 ng krimen na naganap mula April 2013 hanggang June 2016, sa panahon ni dating Pang. Aquino. Pero tumaas naman ng 60% ang kaso ng murder sa kaparehong panahon. Mula sa 2682 noong Aquino Administration ay umakyat ito sa 4295 sa ilalim ni Pangulong Duterte.

“Dahil sa ating campaign against illegal drugs, itoy mga forging ba tinatawag, mga sindikatong nagpapatayan dahil they want to silence yung mga members ng syndicates, pulis na nagbabaliktaran din at merong ibang involved da scalawags na pulis na na find out natin na sila din ang pumapatay sa ibang pulis at iba pang kasama nila sa sindikato” ani NCRPO Director Police Major General Guillermo Eleazar.

Mababa naman ang kaso ng Homicide, Physical Injury, Rape, Theft, Robbery, Motornapping at Carnapping.

Tiwala din si Eleazar na magtutuloy tuloy na ang pagbaba ng krimen sa bansa dahil sa ginagawang pagta trabaho ng mga pulis at sa maayos na pagpapatupad ng mga city ordinances.

Ipinagmalaki din niya ang patuloy na pagbaba ng nangyayaring krimen tuwing Ber months simula 2016 hanggang sa kasukuyan.

(Lea Ylagan | UNTV News)

Tags: ,

Karamihan sa mga heinous crime convict na napalaya sa ilalim ng GCTA law ay may kasong rape at murder

by Radyo La Verdad | September 9, 2019 (Monday) | 7706

Pinalaya ng Bureau of Corrections ang 1,915 na convicts dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) noon pang 2014.

Sa 45 pages na listahan na nakuha ng UNTV, karamihan sa 1,915 na convicts na pinalaya ay convicted sa kasong murder na nasa 811  at rape na nasa 802.

Mayroon ding pinalayang convicted sa ilegal na droga, na nasa 48, labimpito sa naturang bilang ay pawang mga dayuhan na nahuli sa bansa dahil sa paglabag sa Republic Act 6425. Labing lima sa naturang mga dayuhan ay pinalaya nito lamang 2019.

254 ang convicted sa iba’t-ibang kaso kabilang ang homicide, robbery at iba pa.

Nakahanda naman ang tracker team ng PNP-CIDG sa ibang ibang rehiyon sa bansa na hanapin ang mga napalayang convicts kung hindi pa rin susuko ang mga ito pagkatapos ng 15 araw na ibinigay na grace period ng Pangulo.

Ang PDEA naman naniniwalang hindi basta-basta susuko ang mga drug lords na napalaya dahil sa GCTA kayat tutulong sila sa PNP.

Ayon kay DG Aaron Aquino, PDEA, “Pwede din kaming mag-aresto kung hindi sila susuko, that’s why we are asking also the list from the Bureau of Corrections.”

(Lea Ylagan | UNTV News)

Tags: , ,

More News