Chinese President Xi Jinping nasa United Kingdom para sa kanyang 4-day state visit

by Radyo La Verdad | October 20, 2015 (Tuesday) | 1609

XI
Dumating na si Chinese President Xi Jinping sa United Kingdom para sa kanyang apat na araw na state visit.

Tinawag ni UK Prime Minister David Cameron na ang pagbisita ni Xi bilang “golden era” para sa magandang pagsasama ng dalawang bansa.

Ilan sa posibleng pag-usapan ng dalawang pinuno ay ang pag-subsidiya ng chinese steel sa kanila, human rights issues at cyber attacks.

Mamalagi si Xi at ang kanyang maybahay sa Buckingham Palace bilang mga guest ni Queen Elizabeth, Prince Charles at Prince William

Ang nasabing pagbisita ni Xi ay matapos ang pagbisita ni Chancellor George Osborne sa China noong nakaraang buwan na kung saan ito ay upang gawin ng UK ang China bilang ‘best partner in the west’.

Tags: , , , ,