Chinese President XI Jinping, bibisita sa Pilipinas bago matapos ang 2018

by Radyo La Verdad | August 9, 2018 (Thursday) | 6631

Kinumpirma ng Malacañang na bibisita sa Pilipinas si Chinese President XI Jinping bago matapos ang 2018.

Layon nito na paigtingin pa ang ugnayan ng Pilipinas at China.

Posibleng pagkatapos ng APEC Summit sa Papua New Guinea sa buwan ng Nobyembre bibisita ang Chinese President sa bansa.

Posible namang pirmahan ang isang kasunduan sa panukalang joint exploration sa West Philippine o South China Sea bago ang pagbisita ni President XI.

Una nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang panukalang pagbuo ng isang grupong magsasagawa ng pag-aaral sa planong joint exploration.

Samantala, inimbitahan din ni Pangulong Duterte si President XI sa Davao City.

Tags: , ,