METRO MANILA – Nakapagtala ang Chinese authorities ng mahigit 200 nasawi at mahigit 15,000 kaso ng nahawa sa Coronavirus Disease sa China sa loob lang ng 1 araw.
Ito na ang pinakamataas na bilang na naitala mula ng magsimula ang outbreak. Ayon sa Chinese authorities, binago na nila ang paraan ng pagbibilang sa kaso ng COVID-19 kaya tumaas ang bilang nito.
Ngayon kahit hindi positibo sa COVID-19 pero dumaan sa pagsusuri ng mga doktor at kinakitaan ng sintomas ng virus sinasama na nila ito sa bilang dahil nagkukulang na umano sila sa mga testing kits.
Sa ganito umanong paraan ay mas mabilis nilang mabibigyang lunas ang mga pasyenteng nagpapakita palang ng sintomas ng COVID-19.
“In terms of the novel coronavirus pneumonia this time in Wuhan, we had two levels of diagnosis in the past, namely the suspected and confirmed diagnosis, and two positive nucleic acid tests were required to confirm the diagnosis. As we all know, the suspected cases were more than the confirmed cases in the past, so we think it is necessary to add a clinical diagnosis, which is in line with our routine clinical practice, and also facilitate our treatment and management of patients, including the suspected cases.” ani Central steering group in Hubei Expert, Tong Zhaohui.
Sa kabuoan mahigit 1,000 na ang mga nasawi sa buong mundo. Halos 60,000 naman ang kumpirmadong kaso sa China kung saan 8,000 dito ang nasa malubhang kalagayan. Umabot na rin sa mahigit 13,000 ang suspected cases sa China.
Ang mga naitalang nagkaroon ng close contact sa mga nagpositibo sa virus halos aabot na ang bilang sa kalahating milyon. Samantala ang mga naitalang gumaling at nakalabas na ng ospital ay nasa halos 6,000 na.
(Grace Casin | UNTV News)
Tags: Coronavirus Disease