Hinihintay pa ng Palasyo ang findings ng China sa isinagawa nitong imbestigasyon kaugnay ng Recto Bank maritime incident noong June 9, 2019.
Isang Chinese vessel ang bumunggo sa sasakyang pangdagat ng 22 Pilipinong mangingisda dahilan para lumubog ito at manganib ang buhay ng mga kababayang Pinoy.
Gayunman iginiit ng Malacañang na dapat willing ang Chinese crew at captain na sangkot sa insidente na magbayad ng kompensasyon sa nasirang ari-arian ng mga Pinoy na mangingisda.
Dahil kung hindi, ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, idedemanda ng gobyerno ang mga naturang Chinese crew.
Nabanggit din nito ang posibilidad na kasuhan ang mga ito ng criminal offense tulad ng reckless imprudence resulting to damages.
Gayunman, para magawa aniya ito, dapat matukoy ng gobyerno ang mga sangkot na Chinese sa insidente.
Nilinaw naman ng Palasyo na hindi pa nito nababasa ang ulat ng Philippine coast guard at Maritime Industry Authority o MARINA hinggil sa Recto Bank incident na forwarded na sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: Chinese crew, Malacañang, Recto Bank maritime incident