Chinese Ambassador, iginiit na iligal ang arbitration case ng Pilipinas laban sa China kaugnay ng West Philippine Sea dispute

by Radyo La Verdad | May 25, 2016 (Wednesday) | 3436
Photo CREDIT: CCTV
Photo CREDIT: CCTV

Iginiit ng isang Chinese ambassador sa United Arab Emirates na iligal ang inihaing artbitration case ng Pilipinas laban sa China sa International Tribunal.

Sa inilathalang artikulo sa Gulf News Agency sa UAE, sinabi ni Ambassador Chang Hua na labag sa international law ang isinampang kaso ng Pilipinas kaugnay ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ang dahilan din umano kaya tumanggi ang Chinese government na makibahagi sa arbitration case ay upang pangalagaan ang international legal principle.

Sinabi rin ng Chinese ambassador na ang China at Pilipinas ang nararapat na mag-resolba sa isyu sa pamamagitan ng bilateral negotiation at hindi sa pamamagitan ng unilateral arbitration.

Nilalabag din umano nito ang United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

Dumarami rin aniya ang Arab countries na sumusuporta sa China hinggil sa South China Sea issue kabilang na ang United Arab Emirates o UAE.

Tinalakay din sa artikulo ang kasaysayan ng South China Sea Islands na diumano’y matagal nang bahagi ng Chinese territories;

Ang artikulo ni Chang ay isa sa top articles sa mga pahayagan sa loob ng isang linggo at sinangayunan umano ng 72 porsyento ng mga mambabasa.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,