METRO MANILA – Dapat ipatawag na ang Chinese ambassador sa Manila dahil sa huling agresyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Isang Philippine Navy Service member ang naputulan ng daliri at anim na iba pa ang nasugatan kasunod ng banggaan ng 1 Chinese ship at Philippine vessel na nasa isang rotation at resupply mission sa Ayungin Shoal, araw ng Lunes, June 17.
Kailangan na ring iakyat ang usapin sa international bodies gaya ng United Nations.
Samantala, nagtataka naman si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers’ Party-list Representative France Castro sa aniya’y tila pananahimik ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa pinakahuling pangyayari sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa kongresista, hindi pwedeng business as usual sa usapin.