Tiniyak ng China sa Pilipinas na walang bagong reklamasyon at pagtatayo ng aritificial islands sa South China Sea.
Bukod pa ito sa patuloy na access ng mga Pilipinong mangingisda sa pinagtatalunang teritoryo at pagkakasundo ng mga panig na pangalagaan ang kalikasan at marine ecosystem.
Ilan ito sa mga iniulat ng Department of Foreign Affairs kaugnay ng isinagawang ikalawang bilateral consultation mechanism ng delegasyon ng Pilipinas at China sa Manila noong Martes, February 13.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, ang Bilateral Consultation Mechanism ay mahalagang hakbang upang resolbahin ang maritime dispute at paigtingin ang kooperasyon ng magkabilang panig maging sa posibilidad ng pagkakaroon ng joint exploration.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: China, Pilipinas, reklamasyon