Pinasinungalingan ng embahada ng China sa Pilipinas ang natanggap na intel information ng Comelec na may plano ang China na i-sabotahe ang darating na 2016 elections.
Sa pahayag mula sa Chinese Embassy, sinabi ng tagapagsalita na si Li Lingxiao, na totally groundless at sheer fabrication ang naturang impormasyon.
Ayon kay Li, nananatili ang prinsipyo ng China na huwag maki-alam sa internal affairs ng ibang bansa.
Nauna ng ipinasya ng Comelec na ilipat sa taiwan mula sa China ang manufacturing ng voting machine na gagamitin sa 2016 elections.
Ginawa ito ng Comelec matapos na makatanggap ng intelligence report mula sa military na balak ng China na isabotahe ang 2016 polls. (Victor Cosare / UNTV News)
Tags: Li Lingxiao