China, pinagpapaliwanag kaugnay ng pagdami ng kanilang mga barko sa Scarborough Shoal

by Radyo La Verdad | September 5, 2016 (Monday) | 1586
Photo credit: Marine Patrol, Philippine Navy
Photo credit: Marine Patrol, Philippine Navy

Humihingi ng paliwanag ang Pilipinas sa China kaugnay ng namataang pagdami ng kanilang mga barko sa Scarborough Shoal o Bajo De Masinloc na nasa isandaan at dalawamput tatlong kilometro lamang ang layo mula sa Zambales.

Sa larawang kuha ng Philippine Airforce nang magsagawa ng surveillance flight sa Scarborough noong Sabado ay makikita ang hindi bababa sa sampung Chinese vessel sa lugar.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, bagaman walang senyales na nagsasagawa ng dredging ay posibleng ibang aktibidad naman ang isinasagawa ng mga ito na aniya ay nakakabahala.

Ayon kay Sec. Lorenzana, naipaabot na ng Department of Foreign Affairs o DFA sa China ang protesta ng Pilipinas kaugnay sa isyu at hinihintay na lamang ang sagot ng mga ito.

Dagdag pa ni Sec. Lorenzana, hanggang ngayon ay hindi pa rin makapangisda ang mga Pilipino sa lugar dahil pinipigilan ang mga ito ng Chinese coast guard.

Umaasa naman ang kalihim na sa matatalakay ang tungkol dito sa gaganaping ASEAN Summit sa bansang Lao ngayong linggo.

(UNTV News)

Tags: ,