China at Pilipinas, muling magpupulong kaugnay ng Maritime Dispute sa South China Sea

by Radyo La Verdad | February 13, 2018 (Tuesday) | 4593

Kinumpirma ng Malacañang na muling maghaharap ngayong araw ang matataas na opisyal ng Pilipinas at China para sa ikalawang Bilateral Consultation Mechanism o BCM.

Ang BCM ang platform upang talakayin ng magkabilang panig ang mga isyung kinakaharap kaugnay ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Pangungunahan ang delegasyon nina Chinese Vice Foreign Minister Kong Xuanyou at Foreign Affairs Undersecretary for Policy Enrique Manalo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang bilateral meeting ay patunay na kumikilos ang Duterte administration para maresolba ang isyu.

Nilinaw naman ng Malacañang na walang isusumiteng bagong protesta ang Pilipinas hinggil sa napaulat na militarisasyon ng China sa South China Sea.

Ayon kay Roque, may nakasampa nang protesta ang Pilipinas sa China at isa ito sa inaasahang matatalakay sa pulong ngayong araw.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,