China nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ukol sa pagbangga ng chinese fishing vessel sa bangka ng mga Filipino sa Recto Bank

by Erika Endraca | June 14, 2019 (Friday) | 11753
(C) PNA

MANILA, Philippines – Nagsasagawa na ng malaliman at seryosong imbestigasyon ang China kaugnay sa napaulat na pagbangga ng chinese fishing vessel sa bangka ng mga mangingisdang Filipino sa recto bank

Ito ang ipinahayag ni Chinese Amabasador Zhao Jianhua sa kaniyang text message kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Sinabi pa ni Zhao na kung totoong chinese crew ang may gawa noon ay dapat lamang silang bigyan ng leksyon at parusahan dahil sa iresponsableng pag uugali.Umaasa rin si Zhao na mailalagay sa tamang konteksto ang pangyayari.

Ganito rin ang naging pahayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Geng Shuang.

“From what the philippine side has explained so far about the situation this is just an ordinary maritime accident. If the relevant situation turns out to be true, irrespective of which country the perpetrators come from, abandoning should be condemned. China will continue to investigate this incident based on its responsible attitude towards the physical safety and safety of property of the people of both countries and will work with the philippine side to properly handl.” ani Chinese Foreign Ministry Spokesman Geng Shuang.

(Rosalie Coz | Untv News)

Tags: , , ,