Nagpulong ngayon myerkules ang Philippine National police kasama ang chinese counterparts nito kaugnay ng preparasyon sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit.
Ayon kay PNP Chief Ricardo Marquez, isa sa mga concern ng mga chinese counterpart ay ang mga posibleng kilos protesta laban sa China.
Ilang ulit na ring nagdaos ng kilos protesta laban sa China ang ilang grupo dahil sa pag-angkin at pagtatayo nito ng mga isla sa West Philippine Sea o karagatan sakop ng Pilipinas.
“So we have informed them that we have put in place provisions for those concerns. Based on the meeting this morning, i think our Chinese counterpart were confident that their concerns have been properly addressed.” Payahag ni Marquez
Paliwanag ni Marquez, maximum tolerance pa rin ang ipatutupad nila para sa mga raliyista.
Hindi di naman nila pagbabawalan na magsagawa ng kilos protesta basta’t malayo sa APEC venues at kung may permit sila.
Nanawagan din si Marquez sa mga magdaraos ng protest rally na iwasan na magkaroon ng gulo sa kanilang gagawing mga pagkilos.
Ayon kay DILG Secretary Mel Senen Sarmiento, may memorandum circular silang inilabas kaugnay ng mga kilos protesta sa APEC Summit.
Sa ilalim ng memorandum circular maaring mag-rally sa mga freedom park ng hindi na kailangan ng permit.
Kung hindi naman sa freedom parks, kailangan na kumuha muna ng permit mula sa Office of the Mayor ng lugar kung saan isasagawa ang kilos protesta.
Siniguro naman ng PNP na may nakahanda itong contingency plan para sa seguridad sa mga embassy.
Pinaplano na rin ng PNP na makipagdyalogo sa mga grupong magrarally sa panahon ng pagdaraos ng APEC Summit. (Darlene Basingan/UNTV News)
Tags: DILG Secretary Mel Senen Sarmiento, PNP Chief Ricardo Marquez