China, nag-alok ng tulong para sa relief at rehabilitation sa nasalanta ng bagyong Vinta

by Radyo La Verdad | December 28, 2017 (Thursday) | 4525

Nag-alok ng tulong ang bansang China para sa relief at rehabilitation efforts sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Vinta.

Kasabay nito, nagpaabot din si Chinese President Xi Jinping ng pakikiramay at simpatya kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa dami ng nasawi at sa tindi ng pinsalang idinulot ng bagyo.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokeswoman Hua Chunying, handa umano ang kanilang pamahalaan na tumulong para sa rescue at relief efforts sa lahat ng naapektuhan ng bagyo.

Noong Lunes, nagpahayag na rin ang pamahalaan ng Japan ng kahandaang tumulong sa Pilipinas. Sa pinakahuling datos, aabot sa mahigit 200 ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Vinta habang 170 pa ang nawawala.

Tags: , ,