Tinuligsa ang pamahalaan sa pagpapahintulot sa China na magsagawa ng scientific research sa Philippine Rise o kilala rin sa tawag na Benham Rise.
Mayaman ito sa corals, marine life at gas reserves at idineklarang bahagi ng Philippine extended continental shelf ng United Nations noong 2012.
Ngunit ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, Malaki Ang Benepisyo Ng Bansa Sa Naturang Chinese Research.
Inihayag din ng Malakanyang ang dahilan kung bakit China ang binigyang-pahintulot na magsagawa ng research.
May iba aniyang applicants na galing sa ibang bansa na sumubok na magpaalam sa Philippine government subalit hindi sila nakasundo sa mga kinakailangang panuntunan.
Dagdag pa ni Secretary Roque, wala namang Filipino groups o korporasyon na nagtangka o sumubok na lumapit upang magsagawa ng research sa Philippine Rise.
Hindi rin daw basta-basta ang gastos na kakailanganin para makapagsagawa ng Marine Research sa naturang area.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: China, Malakanyang, Philippine Rise