China, hindi makikialam sa PH elections

by Radyo La Verdad | March 7, 2022 (Monday) | 30381

Hindi umano manghihimasok ang China sa Pilipinas kaugnay ng nalalapit na May 9, 2022 national and local elections, partikular na sa pagpili ng pinakamataas na lider o Pangulo ng bansa.

Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, hindi polisiya ng China na makikialam sa internal affairs ng ibang bansa. Ito ang tugon ng Chinese official nang tanungin siya kung may pinipili bang kandidato ang China.

It’s been our position that China never interferes in the internal politics of other countries. The election is an internal politics of the Philippines.  We believe that the Filipino people have the wisdom to choose their own leader,” pahayag ni Amb. Huang Xilian, Chinese Ambassador to the Philippines. Pero, nilinaw naman nito na handa silang makipagtulungan sa mahahalal na susunod na Pangulo ng bansa.

Umaasa ang China na maipagpapatuloy ng susunod na presidente ang magandang relasyon nito sa bansa. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng joint exploration sa West Philippine Sea.

There is a consensus between our true leaders to handle the south chine sea issue in a constructive manner and to explore joint exploration at the disputed area and we believe the joint exploration will benefit our poor people,” ayon kay Huang Xilian, Ambassador to the Philippines.

Mula nang mahalal si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016, naging foreign policy na nito ang pakikipag-usap sa China sa kabila ng pagtutol ng marami dito.

Dante Amento | UNTV News

Tags: , ,