China, handang makipagtulungan sa Pilipinas sa mapayapang pagresolba sa maritime dispute

by Radyo La Verdad | May 23, 2017 (Tuesday) | 4753
Hua Chunying, Spokeswoman, Chinese Foreign Ministry(REUTERS)

Pagpapalakas sa ugnayan ng Pilipinas at China pagdating sa mahahalagang bilateral issue.

Ayon sa Chinese Foreign Ministry, ito ang isa sa mga napagkasunduan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Presidente Xi Jinping nang magpulong ang dalawa sa Beijing, China noong nakaraang lingo.

Ayon kay Hua Chunying, tagapagsalita ng Foreign Ministry ng China, nakahanda sila na makipagtulungan sa Pilipinas para sa mapayapang pagresolba sa maritime dispute sa South China o West Philippine Sea.

Ito ang sagot ng China kaugnay sa umano’y banta ni President Xi na magkakaroon ng giyera kung ipipilit ng Pilipinas na ipatupad ang international arbitration decision sa isyu ng South China Sea.

Samantala naniniwala naman si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na hindi hahantong sa giyera ang naturang usapin.

Aniya, wala namang hindi nakukuha sa maayos na usapan lalo na’t maganda naman ang relasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang Chinese leader.

Tags: , ,