China, handa umanong makipagdiyalogo sa Pilipinas kung babaliwalain nito ang arbitration ruling – Chinese media

by Radyo La Verdad | July 6, 2016 (Wednesday) | 2217
China's Foreign Ministry Spokesperson Hong Lei(REUTERS)
China’s Foreign Ministry Spokesperson Hong Lei(REUTERS)

Naging matapang ang China laban sa administrasyon ni Dating Aquino Aquino kaugnay ng agawan ng teritoryo sa West Phl Sea.

Ngunit tila nag-iba ang tono nito matapos maupo sa pwesto si President Rodrigo Duterte na tila mas malumanay na posisyon hinggil sa sea dispute.

Matatandaang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas ang kanyang administrasyon sa bilateral talks sa China.

Ipahayag din ni DFA Secretary Perfecto Yasay noong isang linggo na hindi sya pabor sa paglalabas ng matatapang na pahayag laban sa China mas lalo na pagnanalo ang Pilipinas sa sea dispute.

Ilang araw matapos nito, naglabas ng ulat ang isang Chinese state-owned media na handang makipag negosasyon ang China sa Pilipinas kung babaliwalain ng pamahalaan ng Pilipinas ang abitration ruling.

Sakaling gawin ito ng Pilipinas, sesentro umano ang usapin sa pagitan ng 2 bansa sa joint development and cooperation in scientific research.

Ayon naman sa DFA, naninindigan parin ang bansa na irerespeto at ipatutupad ang magiging resulta ng kasong inihain ng Pilipinas sa international tribunal.

Naniniwala naman ilang experto na ang tila ibang pakikitungong ito ng Duterte administrasyon sa China o tinatawag na soft stance ay maaring makaapekto sa suporta ng ibang bansa sa Pilipinas.

Ngunit ayon sa DFA hindi ibig sabihin na ang malumanay na posisyon ng Pilipinas ay mangangahulugang isusuko na ng bansa ang karapatan nito sa South China Sea kaya wala anyang dapat ikabahala ang mga taga suporta ng bansa sa Intl Community.

(Darlene Basingan / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,