China, binigyan ng deadline ng arbitral tribunal upang magbigay ng komento sa iprinisintang argumento ng Pilipinas

by Radyo La Verdad | December 1, 2015 (Tuesday) | 1345
(photo credit: gov.ph)
(photo credit: gov.ph)

Binigyan ng arbitral tribunal ng hanggang January 1, 2016 ang China upang magbigay ng komento kaugnay ng mga iprinisintang argumento at ebidensya ng Pilipinas laban sa territorial claim ng China sa West Philippine sea.

Ayon sa Permanent Court of Arbitration, ibig lamang anilang bigyan ng patas na pagkakataon ang dalawang bansa upang marinig ang panig ng mga ito.

Binigyan din ng hanggang Dec. 18, 2015 ang legal counsel ng Pilipinas upang magsumite ng karagdagang mga written response sa mga tanong ng arbitral tribunal sa nangyaring pagdinig.

Pagkatapos nito, isasagawa na ang deliberasyon ng tribunal at ilalabas ang desisyon sa susunod na taon.

Kumpiyansa naman ang Malcanang na ginawa ng delegasyon ng Pilipinas ang lahat ng kanilang magagawa sa katatapos na pagdinig sa The Hague Permanent Court of Arbitration sa Netherlands.

“…the Philippine panel has presented the strength of its petition. We believed that we have presented the best position, all the evidence, all the legal basis for our position, we hope that at some point after the judges had deliverated on the petition of the Philippine government, that they will look at the case in our favour.” pahayag ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda.

(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,