Chief Presidential Legal Counsel Benjamin Caguioa, itinalagang bagong DOJ chief

by Radyo La Verdad | October 13, 2015 (Tuesday) | 1084

caguioa
Itinalaga na ni Pangulong Benigno Aquino III si Chief Presidential Legal Counsel Benjamin Caguioa bilang ad interim justice secretary.

Papalitan ni Caguioa si outgoing Sec. Leila de Lima na tatakbong senador sa 2016 elections.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr., ipinahayag ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. ang naturang appointment Martes ng gab.

Dagdag pa ni Coloma, naipadala na sa Commission on Appointments ang transmittal letter para sa confirmation ni Caguioa. Ang ad interim appointment ay pansamantala habang wala pang approval ng CA.

Manunungkulan bilang DOJ secretary si Caguioa sa loob ng natitirang walong buwan ng Aquino Administration.

Si Caguioa ay nagtapos ng kursong Economics sa Ateneo de Manila University noong 1981 at nagtapos namang pang-lima sa kanilang klase sa ADMU College of Law noong 1985.

Nakuha nito ang pang-labinlimang pwesto sa Bar examinations noong 1986.

Pagkatapos nito ay naging aktibo na sa law practice si Caguioa at noong 1987 ay sinamahan nito ang kanyang ama na si yumaong Court of Appeals justice Eduardo Caguioa. Karamihan sa hinawakan ng nakababatang Caguioa ay appeal cases sa Court of Appeals at sa Supreme Court.

Naging propesor din ito sa college of Law ng ADMU at San Sebastian College.

Tags: , ,