Chief Justice Sereno, hindi magreresign – spokesperson

by Radyo La Verdad | February 28, 2018 (Wednesday) | 2159

Muling iginiit ng tagapagsalita ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na walang balak mag-resign ang punong mahistrado.

Kinumpirma rin ni Atty. Jojo Lacanilao na mas pinaaga ni CJ Sereno ang kanyang wellness leave. Sa halip na March 12-15 ay ginawa na itong March 1-15.

Ito ay upang mapaghandaan ng punong mahistrado ang impeachment trial sa Senado.

Subalit kinontra ni House Impeachment Committee Chairman Reynaldo Umali ang  mga pahayag ng tagapagsalita ni Sereno.

Ayon kay Umali, base sa impormasyong kaniyang natanggap mula sa Korte Suprema, hindi kusang nagfile ng leave of absence si Sereno dahil napagkasunduan sa en banc session ng mga mahistrado na mag indefinite leave muna ang chief justice sa gitna ng kinahaharap na impeachment complaint.

Para naman sa complainant na si Atty. Larry Gadon, dapat ay magresign na lamang si Sereno dahil kung hindi ay isasampa na niya ang mga kaso laban sa mga empleyado ng Korte Suprema na una nang humarap sa impeachment committee at dawit sa umano’y mga ginawang iregularidad ng chief justice.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,