Tinanggap na ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang paghingi ng paumanhin ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraang magbigay ang Pangulo ng marahas na salita laban sa Punong Mahistrado.
Ayon kay Supreme Court spokesman Atty. Theodore Te, na-appreciate ni Sereno ang paghingi ng paumanhin ng President Duterte at sinabing ayaw na ng chief justice na magbigay ng ano pang komento ukol sa isyu.
Matatandaan na nag react si Sereno sa naging pagbubunyag ni Duterte na sangkot ang ilang mga hukom sa ilegal na droga. Matapos nito ay muling sumagot ang Pangulo ng marahas na salita laban kay Sereno at nagbiro ng pagbabanta na magdi deklara si Duterte ng martial law kung makikialam ang hudikatura sa ginagawang pagsugpo ng administrasyon laban sa ilegal na droga.
(Meryll Lopez / UNTV Correspondent)
Tags: Chief Justice Maria Lourdes Sereno, paghingi ng paumanhin ni Pangulong Rodrigo