Chief Justice Maria Lourdes Sereno, pinayuhan ang mga kawani ng hudikatura na huwag paapekto sa impeachment proceedings

by Radyo La Verdad | December 8, 2017 (Friday) | 2075

Tatlong bagay ang hinihiling ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa mga taga hudikatura, ituloy lang ang trabaho at huwag paapekto sa mga isyu, magmasid at magbantay at higit sa lahat ay patuloy na magdasal.

Ayon pa sa punong mahistrado, bukas ang kaniyang pamumuhay sa mga kawani ng korte. Sabi niya, nagpasakop siya sa proseso sa layuning ipagtanggol ang kalayaan at karangalan ng mga korte.

Mahalaga aniya para sa kaniya na mapanatili ito at isa ito sa kaniyang naging prinsipyo mula nang mahirang siya bilang mahistrado.

Ganito rin halos ang naging mensahe niya sa pagtitipon ng bagong-tatag na grupong Voices of Women for Justice and Peace.

Nagpahayag naman ng suporta kay Sereno ang grupo ng kababaihan kaugnay ng kinakaharap nitong impeachment.

 

( Roderic Mendoza / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,