Chief Justice Maria Lourdes Sereno, hindi patitinag sa impeachment complaint laban sa kanya

by Radyo La Verdad | August 25, 2017 (Friday) | 2476

Sinagot na ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang mga paratang sa kanya sa impeachment complaint na inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Aniya, malinis ang kanyang konsensya at wala siyang ginawang anoman na maaaring ikatanggal niya sa pwesto.

Itinanggi rin niya na may nalustay na pondo ng Supreme Court sa ilalim ng kanyang pamamahala. Kabilang sa inirereklamo laban sa kanya ang umano’y maluhong mga byahe ng kanyang staff.

Ayon pa sa punong mahistrado, hindi niya ramdam na siya ang tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na umano’y mataas na opisyal ng gobyerno na maluho sa byahe at pagkuha ng tinutuluyang hotel.

Aminado si Sereno na ilang beses na rin siyang pinuntirya sa loob ng limang taon bilang punong mahistrado ngunit hindi aniya patitinag dahil may trabaho syang dapat magawa.

 

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,