Chedeng, mas humina pa; ibinaba na lamang sa kategoryang tropical storm

by dennis | April 4, 2015 (Saturday) | 2795

CHEDENG5pm

CHEDENGSATELLITE5pm

Ibinaba na sa tropical storm ang kategorya ni Chedeng mula sa typhoon category.

Ang bagyo ay may lakas ng hangin na 115 kilometers per hour mula sa dati nitong 130 kph malapit sa gitna at 145 kph ang dala nitong bugso ng hangin mula sa dating 160 kph.

Kaninang 4:00 ng hapon, ang bagyo ay tinatayang nasa layong 365 km Southeast ng Casiguran, Aurora.
Itinaas na sa signal number 3 ang Isabela at Aurora.

Habang signal number 2 naman ang Northern Quezon, Nueva Ecija, Southern Cagayan, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Nueva Viscaya, Quirino at Catanduanes.

Nasa ilalim naman ng signal number 1 ang natitirang bahagi ng Cagayan kasama ang Babuyan island, Apayao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, La Union, Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, Rest Of Quezon kasama ang Polillo Island, Camarines Norte at Camarines Sur.

Inaasahang tatama ang mata ng bagyo sa Southern Isabela bukas ng umaga at lalabas sa lalawigan ng Ilocos Sur sa Linggo ng hapon. Tuluyan namang aalis si Chedeng sa Philippine Area of Responsibiltiy pagdating ng Lunes ng umaga, April 6.

Tags: , , , ,