CHED, nilinaw na si Karol Mark Yee ang executive director ng komisyon

by Radyo La Verdad | September 28, 2017 (Thursday) | 5115

Si Karol Mark Yee at hindi si Atty. Julito Vitriolo ang kinikilalang lehitimong Executive Director ng Commission on Higher Education ayon kay CHED Chairperson Patricia Licuanan.

Giit ni licuanan anomang dokumento na nilagdaan ni Vitriolo ay itinuturing na null and void.

Maging ang anomang pahayag na mula kay Vitriolo sa ngalan ng CHED ay hindi kinikilala ng komisyon.

Si Vitriolo ay dinismiss ng Office of the Ombudsman noong Enero dahil sa ilang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Subalit ayon kay Vitriolo may karapatan na siya sa posisyon bilang executive director.

Pinagbabatayan nito ang desisyon ng Court of Appeals na nagbabalik sa kaniya sa pwesto at ang naunang pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na nirerespeto nito ang order ng CA.

Aminado naman si Licuanan na hindi ito kumportableng kausapin si Vitriolo dahil sa isyu.

Sa ngayon ay patuloy pa ring pumapasok si Vitriolo sa opisina nito sa komisyon.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: ,