Charity Music at Sports event ng Wish FM na Wish Olympics, tutulong sa mga nasalanta ng bulkang Taal

by Erika Endraca | February 24, 2020 (Monday) | 31722

METRO MANILA – Sinong magaakala na pwede palang pagsamahin ang sports at music upang makatulong sa mga nangangailangan.

Kagabi (Feb. 23) ay idinaos ang kauna-unahan at nag-iisang Charity Music at Sports Event ng Wish FM, ang Wish Olympics. At sa bibihirang pagkakataon ay nagsama sama ang mga sikat na OPM artist at mga kilalang sports personality sa Smart Araneta Coliseum para makiisa sa panawagan ni wish FM CEO Kuya Daniel Razon.

Ito ay upang matulungan ang ating mga kababayang nasalanta ng pagsabog ng bulkang Taal. Musical performance at laro ng volleyball at basketball ang natunghayan ng mga wishers.

Nakibahagi ang the Wishfuls, mga sikat na volleyball players at bagamat hindi propesyonal, nakilaro din ang asawa ni WISH FM CEO Kuya Daniel Razon na si ate Arlene Razon.

Hindi rin nagpahuli ang ibang mga OPM artist. Pagdating naman sa basketball, star studded ang line up ng wish black team kasama ang iba’t ibang sikat na artist.

Hindi naman nagpatalo ang mga PBA legends at magagaling na manlalaro ng UNTV Cup. Sa volleyball game, itinanghal na champion and Wish black team at gayon din naman sa basketball game.

Ayon kay Kuya Daniel, paiigtingin pa ng Wish olympics ang tulong na una ng ipinagkaloob ng UNTV Rescue sa mga naapektuhang residente ng pagsabog ng bulkang Taal.

“God willing after this we will be going again to Taal yung area na yan….we will be conduction simultaneous medical missions…as well as yung ating mga relief operations para doon sa pamilya na lubhang naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal” ani Wish FM CEO, Kuya Daniel Razon.

Hindi nagdalawang isip ang mga OPM artist at mga atleta na makilahok sa Wish Olympics

“Nakakatuwa dahil marami po tayo matutulungan ngayong gabi mula sa taal yung mga biktima and I always love being part of the wish family iba talaga yung spirit dito masasabi ko lang iba” ani Gretchen Ho.

“Grateful to Wish for giving us the chance to share our music at maging bahagi ng ganitong klaseng event na hindi lang nagsasaya yung mga tao pero tumutulong” ani Gretchen Ho.

“Were not only giving platforms for our athletes dito sa Pilipinas pero but also helping out sa mga nasalanta po ng Taal eruption” ani Morisette.

Sa Marso sa susunod na Linggo ay ilulunsad ng Wish FM katulong ang UNTV News and Rescue ang isang panibagong relief operation para sa ating mga kababayan na apektado ng pagsabog ng bulkang Taal.

(Mon Jocson | UNTV News)

Tags: ,