Nakalabas na si dating pangulo na ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo matapos ang apat na taong hospital arrest.
Dalawang araw matapos isapubliko ng Korte Suprema ang deliberasyon at pagpapawalang sala kay CGMA sa kasong plunder, naipatupad na rin ang pagpapalaya sa dating pangulo mula sa kaniyang hospital arrest.
Bagaman dalawang araw ding nagbantay sa VMMC main gate ang media, hindi na nagpaunlak pa ang ginang ng interview sa mga ito.
Ilang mga supporter naman ang dumalaw kay CGMA ilang oras bago mailabas ang kaniyang release order.
Samantala, una sa listahan ng mga planong gawin ni CGMA pagkalaya ay ang pagdalaw sa kaniyang mga constituent sa Pampanga ganun din ang kaniyang pagpapa-medical check up.
Sa ngayon, ayaw munang pag-usapan ng kampo ni CGMA ang banta ng Office of the Ombudsman na panibagong reklamong balak nitong isampa laban sa kaniya.
(Rosalie Coz/UNTV Radio)