Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo, hindi tinanggap ang alok na pardon ni Presumptive Pres. Rodrigo Duterte

by Radyo La Verdad | May 24, 2016 (Tuesday) | 2787

CGMA
Kagabi nga ay muling humarap sa media si Presumptive Rodrigo Duterte at muling sumagot sa iba’t ibang mga isyu at isa na rito ang usapin ng pagpapalaya kay dating pangulo at ngayon ay Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Duterte, inalok niya ng pardon si Arroyo ngunit hindi niya ito tinanggap.

Paliwanag ng incoming president, matagal nang nakadetine si Arroyo at naging mabagal ang paglilitis sa kaniya.

Maging ang paglilibing sa libingan ng mga bayani kay dating Pangulong Ferdinand Marcos ay sinangayunan rin ni Duterte.

Pagkaupo anya niya bilang pangulo ng bansa, ay maaari agad talakayin kung kailan maaaring isagawa ang paglilibing.

Ayon kay Duterte, dapat nang matapos ang usapin na ito na nagdulot na ng pagkabaha-bahagi sa mga Pilipino.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: ,