Pauwi na sa bansang Vietnam ang mga mangingisda na nahuli sa karagatang sakop ng bansa sa Vigan, Ilocos Sur nitong Setyembre.
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang send-off ceremony sa wharf and causeway sa bayan ng Sual Pangasinan kanina.
Nahuli ng patrolling boat ng Philippine Navy ang tatlong Vietnamese poaching vessel lulan ang labing pitong mangingisda sa layong 21 nautical miles ng west dile point ilocos sur noong september 8
Kinasuhan mga banyagang mangingisda ng paglabag sa Republic Act no 10654 Section 91 at CA 613, Section 37 (A) (1) & (7) dahil sa pangingisda sa teritoryo ng bansa at pagpasok ng walang kaukulang dokumento.
Subalit dinismiss ng associate provincial prosecutor ang mga reklamo laban sa kanila dahil napadpad lang umano ang mga ito sa teritoryo ng Pilipinas bunga ng bagyo at Habagat.
Matatandaang matapos bumisita si Pangulong Duterte sa Vietnam noong Setyembre, sinabi nitong ibig niyang pakawalan ang mga naturang Vietnamese fishermen bilang pagpapakita ng goodwill ng Philippine government sa Vietnam.
Inalalayan pa ng Philipine Navy ang mga mangingisda hanggang sa 24 nautical miles pauwi sa kanilang bansa.
(Bryan Lacanlale / UNTV Correspondent)
Tags: Ceremonial send-off sa 17 Vietnamese fishermen na nahuli noong Setyembre, pinangunahan ni Pres. Duterte