Ceremonial landmark lighting ng mga ASEAN lanterns, isinagawa sa iba’t-ibang bahagi ng bansa

by Radyo La Verdad | August 9, 2017 (Wednesday) | 2589

Bukod sa Metro Manila, nagsagawa din ng mga aktibidad sa iba’t-ibang lugar sa bansa kaugnay ng pagdiriwang ng ika-limampung anibersaryo ng Association of Southeast Asia Nations o ASEAN.

 Sa Bacolod City, isang 100-member choir mula sa sampung public schools ang umawit ng ASEAN anthem at ASEAN hymn. Matapos ito ay isang fireworks display ang isinagawa na pinangunahan ng mga city official.

Sa Baguio City naman, nagkaroon ng pagtatanghal ang Baguio City National High School Special Program for the Arts. Nagliwanag din ang City hall dahil sa pagpapailaw ng ASEAN lanterns na may mga disenyong anahaw leaf, sampaguita flower, at mga vinta na sumisimbolo ng pagkakaisa ng ASEAN nations.

 Sa Eastern Visayas, limang lugar ang nagsagawa ng simulteneous ceremonial landmark lighting ng ASEAN lanterns. Ayon kay Tacloban Mayor Cristina Romualdez, simboliko para sa lalawigan ang selebrasyon dahil sa malaking tulong ng ASEAN countries sa rehabilitation at recovery matapos ang 2013 super typhoon yolanda.

At sa Davao City, bumida ang iba’t-ibang kultura ng Mindanao sa ethnic at tribal dance ng mga estudyante mula sa iba’t-ibang kolehiyo sa syudad.

 Pinangunahan ni Mayor Sara Duterte Carpio kasama ang ilang Indonesian officials ang event na dinaluhan ng iba’t-ibang government units.

 

 (Gladys Toabi / UNTV Correspondent)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Tags: , ,