Central Visayas, patuloy ang paghahanda sa posibleng pagtama ng lindol at iba pang kalamidad

by Radyo La Verdad | June 14, 2016 (Tuesday) | 1319

gladys
Mas pinaigting ng Local Government Units sa Central Visayas ang paghahanda sa posibleng pagtama ng lindol at iba pang kalamidad sa rehiyon.

Kaugnay nito, tiniyak ng Department of Interior and Local Government Region 7 na aktibo ang lahat ng LGU sa pagsasagawa ng earthquake drills upang maiwasan ang pagkaroon ng malaking bilang ng casualties.

Quarterly ay nagsasagawa ng drills ang bawat LGU at layunin nitong maabot ang pinakamaliit na barangay.

Bawat LGU ay mayroong contingency plan bilang paghahanda.

Nagpaalala naman ang Office of Civil Defense-7 sa bawat establisyemento ang pagkakaroon gn dalawang emergency exit.

Alam din dapat ng bawat empleyado kung saan pupunta at kung anong aksyon ang kanilang gagawin sakaling magkakaroon ng lindol.

Paalala din ang kagawaran na kapag may lindol ay practice ang duct, cover and hold at lumabas lamang sa building kung tapos na ito.

Payo rin nito sa publiko na maghanda palagi ng survival kits at 3 days supply ng pagkain.

Mahalagang maging alerto, manatiling kalmado at alam ang gagawin sa pagtama ng lindol at ng iba pang kalamidad na maaaring dumating upang huwag malagay sa peligro ang buhay.

(Glayds Toabi / UNTV Correspondent)

Tags: , ,