Centenarians Act of 2016, nilagdaan na ni Pang. Aquino

by Radyo La Verdad | June 29, 2016 (Wednesday) | 1130
File photo
File photo

Nilagdaan na ni Pangulong Benigno Aquino the third ang kontrobersyal na Centenarians Act, ilang linggo bago ang pagpapalit ng administrasyon.

Sa ilalim ng bagong batas, makatatanggap ng one hundred thousand pesos cash gift ang mga centenarian o mga senior citizen na may edad isang daang taon pataas.

Matatandaan na noong 2013 vineto ni Pangulong Aquino ang unang bersyon ng centenarians bill na umani naman ng batikos sa ilang mga grupo.

Sa veto message ng pangulo, malaki ang magiging epekto sa business sector kung maaprubahan ang malaking vat exemption na ito sa centenarians.

(UNTV RADIO)

Tags: