Wala ng police escorts ang alkalde ng Cebu City na si Tomas Osmeña.
Ito ang kinumpirma ng director ng Police Regional Office Seven na si Chief Superintendent Noli Taliño.
Ayon kay Taliño hindi otorisado ang mga inappoint na escorts kay Osmeña.
Sa ngayon ay inilipat na ang mga ito sa Bohol Provincial Police Office.
Una rito ay inalisan narin ng National Police Commission o NAPOLCOM ng kapangyarihan ang alkalde sa mga pulis sa siyudad.
Ito’y matapos tanggalin ng mayor ang financial aid para sa mga nakaisyung firearms at gasoline allocation ng mga patrol cars ng Cebu City Police Office.
Sa ngayon ay nasa ibang bansa si Cebu City Mayor Tomas Osmeña para sa kanyang medical check-up at nakatakdang bumalik sa susunod na linggo.
Tumatayo namang acting mayor ng siyudad si Mayor Edgardo Labella.
(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)