Cebu City, itinuturing na ng pamahalaan bilang bagong epicenter ng COVID-19 sa bansa

by Erika Endraca | June 30, 2020 (Tuesday) | 10995

METRO MANILA – Pumalo na sa higit 3, 500 ang bilang ng kaso sa Cebu City, pinakamataas sa lahat ng highly urbanized cities sa bansa.

Itinuturing na ngayon ng National Task Force kontra COVID-19 ang siyudad na bagong epicenter ng infectious disease.

Pinakamataas ang kaso ng active cases sa lungsod, gayundin ang bilang ng critical at severe COVID-19 cases doon.

Aminado ang gobyerno, nakakabahala ang sitwasyon sa Cebu City.
“Ang pinaka-main focal point po ngayon natin is really Cebu considering the parameters and thresholds of new cases is really even surpassing the whole NCR, and then the case of death mataas din po, ang tinatawag na recoveries, malakas rin po pero yung kanilang level 3 hospital, are very limited” ani National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer, Sec. Carlito Galvez

Dagdag pa ni Secretary Galvez, hindi naging maayos ang pagpapatupad noong una ng Enhanced Community Quarantine sa Cebu City.

Sa ngayon, kinakailangang maipagtuloy ang ginagawang maigting na quarantine measures sa lungsod upang bumuti ang sitwasyon doon.

Ito ay sa pamamagitan ng pagtutulugan ng national at local government, Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

19 na barangay sa Cebu City ang isinailalim na sa estriktong coronavirus lockdown.

“Nakikita naming, kailangan pa ng stringent restrictions kasi nafind out namin, nung nag-ECQ sila hindi ito properly implemented that’s why general ano prompted to deploy more forces din in Cebu City. ” ani National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer, Sec. Carlito Galvez.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,